378

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr

https://www.bomboradyo.com/ibang-klaseng-pacquiao-bubulaga-kay-thurman/

LOS ANGELES – Patuloy pa rin ang tirada ng reigning WBA welterweight world champion na si Keith “OneTime” Thurman (29-0-0, 22 KOs) kay pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao (61-7-2, 39 KOs).

Kumpiyansa raw si Thurman na mapapabagsak niya ang eight-division champion sa loob lamang ng dalawang rounds sa kanilang nalalapit na sagupaan sa July 20 (US time) o July 21 Philippine time.

Sa panayam kay Neil Hilario, isa sa tinaguriang mga L.A. Boys ng “Team Pacquiao” sinabi nito na “kakainin ni Thurman ang kanyang mga pangarap.”

Ito ay dahil ibang klaseng Manny Pacquiao raw ang bubulaga sa buong mundo.

Ready to rumble na rin ang fighting senator.

Sa tingin nito kahit alagang baka raw ay kayang matumba sa lakas ng kamao ng senador.

Pacquiao on the run (photo from Neil Hilario)

Una rito, nagpasaring ang defending champion sa kampo ni Pacman matapos magbigay ng forecast ang Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na mag-uuwi ng “huge score” ang tataya sa 40-anyos niyang alaga.

Una rito, nagpasaring ang defending champion sa kampo ni Pacman matapos magbigay ng forecast ang Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na mag-uuwi ng “huge score” ang tataya sa 40-anyos niyang alaga.

Naglabas naman si Thurman ng kanyang sariling taya kung saan sa bawat round daw na matatapos ay magbibigay siya ng $10,000.

“About 10K a round, that’s motivation!” ayon sa panayam ng TMZ Sports kay Thurman. “I can’t go three minutes going ‘tap-tap-tap’ when I got 10K on the round. I gotta swing a few times, you gotta try to hit a home run.”

Matatandaan na walang tigil ang patutsada ng 30-anyos na undefeated American champion at nangako pa itong tatapusin ang karera ng pambansang kamao kasabay nang pagsasabing handa siyang “i-crucify” si Pacman sa loob ng ring.

Dahil na rin dito ay napilitang bumwelta ang kampo ni Pacquiao sa panunguna ni Roach kung saan pinuna niya ang huling laban ng Amerikano na muntik nang maisahan ni Josesito Lopez.

Para naman L.A. Boys member na si Hilario, ang patuloy na pagyayabang ni Thurman ay nagsisilbing gasolina lamang sa motibasyon ng isang Manny Pacquiao.

“I like that, because he does get angry,” ani ni Roach sa isang interview. “I do like when Manny doesn’t like his opponent because he does fight better.”

Ngayong ilang araw na lang at magtatapat na ang dalawang kampeon, todo-bigay na sa ensayo ang fighting senator na kinakitaan na ang pagbabalik ng eksplosibong bilis at tatag ng stamina.

Handa na rin ang training staffs ni Pacquiao sa pangunguna nina Roach, strength and conditioning coach Justine Fortune at kanyang matalik na kaibigan na si Buboy Fernandez sa pagpasok ng huling linggo ng training camp at paghubog sa katawan ni Pacman para makuha ang tamang timbang at kondisyon.

At habang nalalapit na duwelo, nananatili ang composure at focus ni Pacquiao para madungisan ang malinis na kartada ni “One Time” at patunayan na magpapatuloy pa ang kanyang karera.

Sa panig ni Thurman, ito na ang pinakamalaking laban sa kanyang career at inaasahang magiging tulay ang panalo upang umangat siya ng husto sa boxing spotlight.

Sa ngayon ay nananatiling underdog si Pacquiao sa mga bookmakers, matatandaan na ang huling beses na nangyari ito ay noong laban ni Manny kay Floyd Mayweather.

Share
Go top