407

Kung si Congressman Bobby Pacquiao, kapatid ni pambansang kamao Manny Pacquiao ang tatanungin, ay malapit na sa game shape ang eight-division world champion.
Ani Bobby, patuloy pa rin ang kanilang pag-eensayo bago tumungo sa mas puspusan pang parte ng training camp para sa laban ni Pacman kay Keith Thurman Jr. sa darating na July 20 sa MGM Grand Las Vegas, Nevada.
“”ara sa akin mga 88-89% na ang conditioning niya,” ani Bobby sa isang interbyu sa mansyon ng kapatid na si Mannu sa Los Angeles.
“Medyo malayo pa naman ang laban kaya di pa todo-todo pa ang training,” dagdag pa nito.
Aniya, kada umaga ay nagjo-jogging sina Bobby kasama ang kapatid at ang lupon ng mga supporters, trainiers, at kung minsan, ilang miyembro ng international media sa Griffith Park.
Pagkatapos naman nito ay tutungo sila sa hapon papunta naman ng Wild Card para ituloy ang buong araw na training.
Ang training camp ni Pacquiao ay tatagal ng anim na linggo na nagpapatuloy mula sa kanyang light training sa Manila kamakailan.
Dagdag ni Bobby, mga strategy at technique ang kaninlang fous sa ngayon upang mapatumba ang undefeated na Amerikanong boxer.
“Meron tayong mga game plan na ginagawa para kay Thurman kase hindi rin basta-basta itong kalaban na ito. Napakalakas niya,” sambit ni Bobby.
“Medyo iba rin ang style nito duon sa mga nakalaban na ni Manny ginagawa namin ang lahat para maproteksyunan ni Manny ang sarili niya para sa darating na laban,” sabi pa ng
OFW family party list representative.
Kahit na mas bata ang makakalaban, current champion at wala pang dungis ang record, kumpiyansa naman ang dating boxer na si Bobby sa magiging performance ng kanyang utol sa ring.
“Nakikita naman natin ang performance niya sa training, nakikita naman natin yung galawan niya, yung movemen niya napakabilis.”
“Medyo mild lang muna ngayon kase malayo pa naman. Maintain lang natin ang strategy,” sabi pa nito

Share
Go top