By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -February 1, 2020 | 7:57 AM
Panalo via split decision ang boxing prospect ng General Santos City, na si Jade Bornea laban sa Mexican boxer na si Ernesto Delgadillo (11 wins-2 KO-1 lose) na ginanap sa Legends Casino, Toppenish.
Ito ang unang pagkakataon ni Bornea na lumaban sa ibang bansa.
Sa kanyang malinis na kartada ay mga kapwa Pinoy ang kanyang mga naka-sagupa.
Sinasabing nakakamangha rin na sa kanyang 15 panalo ay 10 dito ay kanyang naipanalo via knockout.
Hindi naging madali ang laban ni Bornea, sapagkat isa itong close fight.
Dahil slow starter si Bornea, nakuha ni Delgadilo ang mga unang round.
Pero ginamit ni Bornea ang kanyang kalamangan sa height at reach upang magpakawala ng mas mabibigat na suntok at gamitin ang kanyang signature body shot.
Round 6 nang ma-out of balance itong si Bornea sa pagkakatulak sa kanya ni Delgadillo na nagresulta sa isang kwestyunableng knockdown.
Gayunpaman, nagpatuloy ang kalamangan ni Bornea hanggang sa 12th round upang maiuwi niya ang panalo at ang NABF superfly weight title.