525

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -November 29, 2019 | 11:12 AM

https://www.bomboradyo.com/anthony-joshua-hindi-magreretiro-kahit-matalo-ulit-kay-andy-ruiz-jr/

“I swear I’ll fight ’till I’m 50. I fight because I love the game.”

Ito ang katagang isinagot ni Anthony Joshua sa patuloy na pagbabatikos sa kanya bago ang kanilang rematch ng bagong unified kampyeon na si Andy Ruiz Jr., ngayong December 7 na gaganapin UNESCO World Heritage Site of Al-Turaif, Riyadh, Saudi Arabia.


Isang major upset ang kanilang unang sagupaan kung saan ipinatikim ni Ruiz ang unang talo ni Joshua sa isang Round 7 TKO.

Kinakailangan na umanong magretiro ng dating unified champion na si Joshua kung sakaling matalo ulit isya ni Ruiz.

“It is weird because you get, ‘Ah, if you lose your next fight you should retire.’

“I say, ‘You didn’t tell me to get in the gym so who are you to tell me to get out of the gym? I swear I’ll fight till I’m 50. I fight because I love the game,” wika nito sa isang interview.

Isa sa mga bumatikos rito ay ang kapwa heavyweight fighter na si Tyson Fury na lalabanan muli ang WBC heavyweight champion Deontay Wilder sa Pebrero 2020.

“He has to get a couple of wins under his belt and convince the public that he’s a fighting man again,” aniya sa isang interview sa IFL TV.

“Go to school, learn what to do again. Get a bit of mental coaching, and that’s it. Try and make a comeback,” dagdag pa nito.

Si Fury ay dating unified champion sa heavyweight ngunit nagkaroon ng ilang kontrobersya na nagresulta sa pagkasuspinde nito bumalik ito sa ring noong 2018.

“If he can’t make a comeback, if he can’t beat Andy Ruiz Jr., you ain’t going to do anything to Tyson Fury or Deontay Wilder or any other decent heavyweight in the world either.

“If he can’t beat Ruiz in the rematch he’s done, finished, goodnight, bye-bye.”

Share
Go top