442

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -October 20, 2019 | 10:32 AM

https://www.bomboradyo.com/king-kong-ortiz-vs-heavyweight-champ-deontay-wilder-delikado-ka-at-korona-mo-sa-ating-rematch/

Balak agawin ng Cuban’s “King Kong” na si Luis Ortiz ang trono mula sa Amerikanong WBC (World Boxing Council) heavyweight champion na si Deontay “The Brown Bomber” Wilder sa kanilang rematch na gaganapin sa darating na November 23 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Sa kanilang unang dikit na laban noong 2018, nagwagi si Wilder via knockout sa ika-10 round.


Nagbigay respeto naman si Wilder sa 40-anyos na Ortiz pagkatapos ng laban dahil sa ipinamalas nitong lakas.

Sa ginanap na press conference, binigyang pugay ni Ortiz si Wilder sa kanilang huling laban.

Nagpasalamat si Ortiz kay Wilder sa pagtanggap nito ng rematch sapagkat ito aniya ang magiging pinakadelikado umanong laban sa career ni Wilder.

Ang huling laban ni Wilder ay noong February 22 laban sa UK boxer na si Tyson Fury na nauwi sa draw o tabla.

Mayroong 13 linggo si Wilder upang maghanda sa darating nitong laban sa Nobyembre.

Gayunman, mas pinabpran pa rin ng mga eksperto si Wilder dahil sa kakayahan nitong maka-knockout at dahil mas bata ito kay Ortiz.

Inaasahan din na maagang tatapusin daw ni Wilder ang laban upang hindi magtamo ng injury at matuloy ang kaabang-abang nitong rematch kay Fury.

Si Ortiz ay may professional record na 31 wins, 26 dito ay via knocout at ang tanging isang talo nito ay mula kay Wilder.

Ang “The Brown Bomber” naman ay wala pang talo at mayroong 41 wins, 40 dito ay sa pamamagitan ng knockout.

Share
Go top