436

https://jmeloentertainment.com/2019/10/18/adam-silver-nanindigan-hindi-tatanggalin-ang-houston-rockets-gm/

Nanindigan si NBA Commissioner Adam Silver na hindi tatanggalin sa pwesto ang General Manager ng Houston Rockets na si Daryl Morey.

Ito ay matapos irekomenda ng kanilang mga galit na partner at maging ang Chinese government ang pagpapatanggal kay Morey dahil sa kanyang Twitter post na nagpasiklab ng matinding isyu sa pagitan ng NBA at China.

Ang ‘pro-Hong Kong’ na tweet nito ay nagresulta sa hindi pagpapalabas ng mga preseason game na ginanap sa China tulad ng Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets.

Mabilis umapoy ang galit ng mga Tsino na nagresulta pa sa ibang kanselasyon ng mga deal nito sa NBA.

Maingay din sa social media ngayon ang mga galit na fans dahil sa insidenteng ito na malabo pang humupa.

Malaki rin ang impact ng isyung ito para sa NBA dahil malaking porsyento ng viewership ay mga Tsino. Mawawalan din sila ng milyong dolyares ngunit handa si Silver sa mga possible pang mangyari.

“The losses have already been substantial. Our games are not back on the air in China as we speak, and we’ll see what happens next,” aniya sa isang summit.

Dagdag pa nito ay walang tyansa na tanggalin nila sa pwesto si Morey.

“We said there’s no chance that’s happening. There’s no chance we’ll even discipline him.”

Nanindigan siya na ang tweet ni Morey ay isang free expression na kasama sa values ng mga Amerikano.

Share
Categories:Featured | NBA | Sport Today | Sports
Go top