359

LAS VEGAS, OKTUBRE 31 — ang huling press conference ng inaabangang Canelo “Saul” Alvarez kontra  Sergey “Krusher” Kovalev  na gaganapin sa ika-dos ng Nobyumbre para sa WBO Light Heavyweight World Title. Mapapnuod ang laban sa DAZN.

Malaking respeto ang ibinigay ng bawat boksingero sa isa’t isa. Nang tanungin si Canelo kung bakit si Kovalev ang kanyang napiling katunggali, anya’ nito, ” He’s the best in his division, he’s one of the best, that’s why we chose him, to make history by fighting one of the best.”

Ayon kay Eddy Reynoso, ang Head Trainer at Manager ni Canelo, handa na silang ipakita ang kanilang plano sa darating na laban upang manalo kay Kovalev. Mataas ang kanilang pag-hanga kay Kovalev ngunit handa na si Canelo na iuwi ang titulo, dagdag pa nito.

Papuri rin ang binigay ni Kovalev kay Canelo” I’m sure this fight is going to be very interesting and very difficult for both of us because we never step back, [we] never give up,” anya nito.

May inihanda rin na plano si Kovalev at handa na rin itong depensahan ang kanyang titulo kontra sa Meksikanong boksingero. Sa kasalukuyan, ito raw ang pinakang malaking laban sa kanyang buong karera, anya nito.

Ipinaliwanag din ni Kovalev na wala siyang balak na patumbahin si Canelo, handa itong mag bigay ng magandang laban para sa mga manunuod.

Sa kasalukuyan, hindi pa napapatumba si Canelo, mayroon itong 52 na panalo, 35 dito ay knockout, isang talo at dalawang draw. Samantalang si Kovalev ay mayroong 34 na panalo, 29 dito ay knockout, 3 talo at isang draw.

Share
Go top