Sa edad na 82, nilisan na ng beteranong manunulat at direktor na si Emmanuel “Maning” Borlaza ang industriya ng Pelikulang Pilipino matapos itong makaranas ng atake sa puso nitong nakaraang Oktobre 12 na ikinumpirma ng kanyang pamangkin na si Roy Ramirez.
Nakilala si Maning sa kanyang mga award-winning na pelikula tulad ng “Darna,” “Bituing Walang Ningning,” “Eva Fonda 16,” at “Blusang Itim” na pinagbidahan ng mga primyado at sikat na mga bituin.
Bukod rito, ang beteranong direktor rin ang nasa likod ng matagumpay na mga pelikula ng Star for All Season Vilma Santos. Ilan nga rito ang mga fantasy films na “Dyesebel,” “Darna and the Giants” at “Lipad, Darna, Lipad!”
Bago pumanaw ay itinanghal bilang chairperson si Maning ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) at chairperson ng Director’s Guild of the Philippines.