361

Sa darating na Nobyembre 23 na magaganap ang inaabangang rematch sa pagitan ng dalawang kilalang heavyweight sa boxing.

Ang Amerikanong si Deontay “The Bronze Bomber” Wilder ay dedepensahan ang kanyang WBC title kontra sa Cuban na si Luis “Kingkong” Ortiz.

Magiging delikado ang laban ni Wilder sapagkat mayroon lang itong 13 linggo na paghahanda, sapagkat ang huling laban nito ay noong February 22 kontra kay Tyson Fury na nauwi sa tabla.

Ang rematch ng dalawang boksingero ay inaasahang matuloy sa February 2020, tatlong buwan pagktapos ng laban nito kay Ortiz.

Gayunpaman, handang ibigay ni Wilder ang kanyang buong lakas upang magkaroon ng magandang laban.

Aniya nito, “we’re willing to die in the ring,”dagdag pa niya. “How many people say they’re willing to die for their jobs? But we are because we’re passionate about it, we love it.”

Ayon naman kay Ortiz, maaring siya o si Wilder ang mamatay sa laban at handa siya sa kung anuman ang mangyari sapagkat ibibgay niya rin ang lahat ng kanyang makakaya.

Sa kasalukuyan si Wilder ay mayroong 41 na panalo, 40 dito ay knockout at ang tanging draw nito ay ang laban niya kay Tyson Fury.

Si Ortiz naman ay may 31 na panalo, 26 dito ay knockout at ang isang talo naman ay kontra Wilder.

https://www.bomboradyo.com/deontay-wilder-handang-mamatay-sa-kanilang-laban-ni-luis-ortiz/
Share
Go top