387

Toronto Canada – Wagi ang Golden State Warriors laban sa Raptors sa score na 106 -105 sa kabila ng Achilles injury ni Kevin Durant. 3 – 2.
Nakapaglaro si Durant sa first at second quarter na nakadagdag ng malaking lamang laban sa Raptors subalit muli itong nag ka injury kaya nagpahinga ito bago mag 3rd quarter.
Nakapagtala si Durant ng 11 puntos habang sila Stephen Curry ay nakakuha ng 31 points, Klay Thompson 26 points, Demarcus Cousins 14, at Draymond Green 10 points.
Kapansin pansin ang ambag ni Durant sa first quarter na kahit kagagaling lamang sa injury ay pinilit pa rin niyang maglaro. Sa kasamaang – palad muli itong na-injury na nag dulot ng paggising sa mga kasamahan nito na pag-ibayuhin ang laro.
Umabot ng labing tatlo hanggang labing apat na puntos ang lamang ng Warriors kontra Raptors ngunit nagawa nitong humabol bandang fourth quarter sa score na 95 – 96 sa tulong ni Kawhi Leonard na nakapagtala ng 26 points.
Sa tulong nina Kyle Lowry na nakakuha ng 18 points, Maro Gasol 17 points, Serge Ibaka 15 points, nakabawi ang Raptors ngunit hindi pa rin nagpatalo ang Warriors dahil nagawa nitong ungusan ang Raptors ng isang puntos sa huling minuto ng laban.
Naging mahigpit ang laban at makapigil-hininga ang mga huling minuto ng 4th quarter dahil magiging champion ang Raptors sa 4 – 1 laban sa Warriors.
Subalit, hindi pinanghinaan ang Warriors kahit maagang nagpahinga si Durant dahil sa injury bagkus lalo pa itong nagsumikap kahit dikit na dikit ang laban.
Lamang ng isang puntos ang Warriors bukod pa sa homecourt ng Raptors ang Toronto na mas ramdam ang pressure dahil sa mga sigaw ng fans ng Raptors, nanaig pa rin ang Warriors sa huli.
Samantala muling maghaharap ang dalawang team sa June 13 sa Toronto.
“He’s a Warrior. You saw what he did tonight. He sacrificed his health for us and we dearly miss him. It was very deflating to see him go out. I’m just going to pray for the guy, and I know he’ll be back even stronger.” sambit ni Thompson.

Share
Categories:Featured | NBA | Sport Today | Sports
Go top