370

ILOILO CITY – Isang engrandeng parada ang sasalubong sa Toronto Raptors kasunod ng makasaysayang 4-2 upset laban sa defending champion na Golden State Warriors sa 2019 National Basketball Association (NBA) finals.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Bombo international correspondent Bryan Flores, isa ring overseas Filipino worker (OFW) sa Canada, sinabi nitong sa Martes, araw sa Pilipinas, gaganapin ang parada ng Raptors bilang pasasalamat sa kanilang panalo.

Sa ngayon ayon kay Flores, pinaghahandaan na ng Canadian government ang aktibidad at asahan na ang pagbuhos ng fans sa downtown Toronto.

Ayon kay Flores, mistulang nag-wild ang mga fans nang malaman ang resulta ng Game 6 dahil ito ang kauna-unahang championship ng team.

Sa kabila nito, inihayag ni Flores na ikinalulungkot din ng mga Canadian ang pagtamo ng injury ng star players ng Golden State Warriors na sina Kevin Durant at Klay Thompson.

Naging maliwanag na aniya ang panalo ng Raptors nang tuluyan ng pinalabas sa court si Thompson na siyang lead scorer ng Warriors.

Nagtapos ang Game 6 sa score na 114-110 pabor sa Raptors at si Kawhi Leonard ang kinilalang Most Valuable Player.

Share
Go top