360

Balak agawin ng Cuban’s “King Kong,” Luis Ortiz ang trono mula sa Amerikanong WBC heavyweight champion Deontay “The Brown Bomber” Wilder sa kanilang rematch na gaganapin ngayong November 23 sa MGM Grand Arena Las Vegas.

Sa kanilang unang dikit na laban noong 2018, nag wagi si Wilder via knocout sa ika-sampung round. Nag bigay respeto naman itong si Wilder sa Kuwarenta anyos na Ortiz pagkatapos ng laban sa ipinamalas nitong lakas.

Sa kasulukuyang press conference, binigyang pugay ni Ortiz si Wilder sa kanilang huling laban. Nag pasalamat si Ortiz kay Wilder sa pagtanggap nito ng rematch sapagkat ayon kay Ortiz ito ang magiging pinakang delikadong laban sa career ni Wilder.

Ang huling laban ni Wilder ay noong February 22 sa UK boxer na si Tyson Fury na nauwi sa draw. Mayroon si Wilder na Labing-tatlong linggo upang mag-handa sa darating nitong laban sa Nobyembre.

Mas pinaburan pa rin ng mga eksperto si Wilder dahil sa kakayahan nitong maka-knockout at dahil mas bata ito kay Ortiz. Inaasahan din na maagang tatapusin ni Wilder ang laban upang hindi mag tamo ng injury at matuloy ang kaabang-abang nitong rematch kay Tyson Fury.

Si Ortiz ay may professional record na 31 wins, 26 dito ay knocout at ang isang talo nito ay mula kay Wilder na wala pang talo at mayroong 41 wins, 40 dito ay knocout.

Share
Go top