350

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -October 30, 2019 | 12:23 PM

https://www.bomboradyo.com/miami-dinomina-ang-atlanta-sa-debut-game-ni-jimmy-butler-sa-bagong-team/

Maganda ang simula ni All-Star Jimmy Butler sa bago nitong uniporme matapos tulungan ang Miami Heat kontra sa Atlanta Hawks, 112-97, upang itala ang kanilang pangatlong panalo ngayong season sa loob ng American Airlines Arena.

Nag-ambag ng 21 puntos, limang rebounds at dalawang assists si Butler sa kanyang debut samantalang nanguna ang rookie na si Tyler Herro na kumamada ng 29 puntos, pitong rebounds at dalawang assists.

Naging sandalan ng Heat ang kanilang fastbreak offense upang iwanan ang Hawks.

Malaking kawalan naman para sa Atlanta ang pagkawala ng kanilang sophomore point guard na si Trae Young matapos magkaroon ng right ankle injury sa first half pa lang ng laban.

May average na 34 puntos, anim na rebounds at siyam na assists si Young sa loob ng unang tatlong laro.

Sinalo naman ni John Collins ang naiwang puwang ni Young makaraang magtala ng game-high 30 points ngunit hindi sapat ang tulong na nakuha nito dahil tanging si Jabari Parker lamang ang tanging naka-double figures pa sa Atlanta na may 12 puntos.

Samantala, naging kalat ang kontribusyon sa koponan ng mga players ni Filipino American head coach Erik Spoelstra.

Umiskor ng 21 puntos ang beteranong si Goran Dragic at tig-17 puntos naman sina Bam Adebayo at undrafted guard na si Kendrick Nunn.

May tatlong panalo at isang talo na ang Miami at 2-2 naman para sa Atlanta.

Share
Go top