374

Sinong maga-akalang 40-years-old na ang ating pambansang kamao? 

Kung tatanungin ang mga taong nasa paligid niya sa kanyang ongoing training camp sa Los Angeles, California hindi kakikitaan ng bakas ng kanyang edad si Pacman. 
Paano ba naman, ang fighting Senator ay napaka-ingat sa kanyang katawan kung saan pinapairal ang “no pork policy” sa kanyang diet habang nagpapalakas para sa kanyang laban kontra Keith Thurman Jr. sa MGM Grand Las Vegas, Nevada sa darating na July 20. 

Bukod dito, puspusan at walang patid ang ensayo ng eight-division world champion araw-araw. Sa pagkaka-describe nga ng kanyang butihing tiyahin na si Laila Lao, “napaka-sigasig” talaga ng ating Filipino boxing icon. 

Sa isang panayam, maituturing na “89 per cent complete” na ang conditioning ni Manny, ayon na rin mismo sa kanyang kapatid na si Congressman Bobby Pacquiao. 
Dagdag pa ng utol ng ating pambansang kamao, kakaiba ang ipinapakitang bilis ni Manny kahit na hindi pa ganoon ka-todo ang ginagawa nilang training. 

Naka-schedule para sa anim na linggo ang training camp ni Pacman na nagpapatuloy mula sa Manila. Sa bawat nagdadaang araw, ay pabigat ng pabigat ang nagiging ensayo ni Manny sa kabila ng kumulang isang buwan na lamang bago ang laban nito sa undefeated American boxer.

Maalala ngang ginamit muli ni coach Freddie Roach ang body protector para sa ensayo ni Pacquiao. Bunsod na rin ito sa lakas ng punching power ni Manny. 
Patunay lamang ang lahat ng ito na hindi pa tapos ang fighting Senator. May ibubuga pa siya at makikita natin ang pambansang kamao na kinagiliwan ng lahat sa July 20

Share
Go top