377

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -November 20, 2019 | 12:30 PM

https://www.bomboradyo.com/pelicans-pinahiya-ang-debut-ni-carmelo-anthony-sa-portland/

Sinira ng New Orleans Pelicans ang unang laro ni Carmelo Anthony para sa Portland Trail Blazers matapos dominahin ang laban, 115-104 sa loob ng Smoothie King Center.

Nanguna ang All-Star guard na si Jrue Holiday para itimon ang Pelicans sa kanyang 22 puntos, 10 assists at limang rebounds.

Pumangalawa naman si Brandon Ingram na nagtala ng 21 puntos, pitong rebounds at limang assists.

Umiskor ng 35-third quarter points ang Pelicans upang unti-unting humiwalay sa dikit na laban.

Hindi na muling nakabangon ang Portland sa fourth quarter matapos makipagpalitan puntos lamang sa host team.

Nakagawa ng 10 puntos si Anthony sa kanyang pagbabalik sa NBA ngunit miserable ang naging shooting nito (4-out-of-10).

Nakakuha pa siya ng apat na rebounds at isang block ngunit tinapatan ito ng kanyang limang turnovers at limang personal foul.

Samantala, tatlong Pelicans players pa ang umiskor sa double-digit para makuha ang panalo.

May 18 puntos ang beteranong shooter na si JJ Redick, 14 na puntos kay Nicolo Melli at 11 para kay E’Twaun Moore.

Nasungkit ng Pelicans ang kanilang ikalimang panalo sa siyam na talo samantalang patuloy ang hindi magandang simula ng Western Conference Finalist na may 5-10 record.

Hindi rin naging sapat ang 22 puntos ni CJ McCollum para punan ang hindi naglaro na si Damian Liliard.

https://www.bomboradyo.com/pelicans-pinahiya-ang-debut-ni-carmelo-anthony-sa-portland/

Share
Go top