By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -October 16, 2019 | 2:12 PM
Sasabak ang Pinoy boxer na si Romero Duno sa darating na Nobyembre 2 sa upang harapin ang Mexican-American na si Ryan Garcia bilang isa sa undercard sa sagupaang Canelo Alvarez versus Sergey Kovalev na gaganapin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Inaasahang magiging mainitan ang bakbakan ng dalawang boksingero sa lightweight division dahil sa kanilang magandang boxing record.
Si Duno ay isang pasikat na boksingero na gumagawa nang ingay ngayon sa Amerika kung saan may record na ito na 21 wins, 1 defeat at 16 knockouts.
Samantalang malinis naman ang kartada ni Garcia na mayroong 16 knockouts sa 18 panalo.
Isang magandang oportunidad din ito sa 24-anyos na tubong Cotabato na si Duno upang mas makilala sapagkat sila ng kontrobersyal na 21-anyos na si Garcia ang co-main event ng Alvarez-Kovalev showdown.
Maglalaban ang dalawa sa silver title lightweight division.
Panibagong hamon din ito kay Garcia na muling pumirma sa isang contract extension sa Golden Boy Promotion matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan na nagdulot nang pagkaudlot sa nakaraan nitong laban kontra kay Avery Sparrow.