412

OAKLAND – Klay Thompson mild hamstring strain at Kevin Durant mild strain sa kanang calf ang nagdulot ng pagkatalo ng Golden State Warriors sa Game 3 laban sa Raptors noong June 6.
Dagdag pa rito ang non-displace cartilage fracture ni Kevon Looney na lalong nagpahiThompson, Durant, Looney injury nagpatalo sa Warriorsna sa opensa at dipensa ng Warriors.
Nanguna si Stephen Curry na naka 47 puntos, napakataas na nito subalit hindi pa rin sapat para matalo ang Toronto Raptors na nauwi sa 123 – 109 na final score.
Sa tulong ni Draymond Green na nakapuntos ng 17 at ni Andre Iguodala nagawa ng Warriors na makahabol lalo na sa 3rd quarter kahit maliit na lang ang lamang ngunit hindi pa rin nagpatalo ang Raptors.
Sa kabilang banda, nakapagtala ng 30 puntos si Kawhi Leonard, Kyle Lowry 23 puntos, at 18 puntos naman sila Pascal Siakam at Damny Green.
Sa kabila ng kawalan ng Warriors ng mga pangunahing players, nagawa pa rin ni Curry na makahabol kahit na may mga sablay na three points at free throws sa 3rd at 4th quarter. Gayundin si Green na kapansin pansin na may mga 3 points na hindi nakapasok.
Naging bentahe ng Raptors ang kawalan nina Durant, Thompson at Looney sa Warriors.
“They outplayed us. They deserved it,” Warriors coach Steve Kerr
Samantala, nakatakdang maglaro si Durant sa Game 4 ayon kay Steve Kerr coach ng Warriors.
Gaganapin ang Game 4 sa Oakland on June 7.

Share
Categories:Featured | NBA | Sport Today | Sports
Go top