377

Ipapatupad ng NBA ang zero-tolerance policy sa mga manunuod na may intensyon na pag-salitaan ng masama o guluhin ang mga manlalaro. Mas magiging mahigpit ang pag bantay sa mga manunuod na malapit sa mga player — lalong-lalo na ang mga taong malapit sa daanan ng mga manlalaro sa tuwing papasok at lalabas ng court.

Ayon kay Jerome Pickett ang Executive Vice President at Chief Security officer ng NBA, ang mga lalabag ay agad-agarang papaalisin ng mga opisyales kahit iniimbestigahan pa lamang ang nasabing pag-labag.

Dagdag pa nito, “We’ve added any sexist language or LGBTQ language, any denigrating language in that way, anything that is non-basketball-related.”

Ayon sa report, mas doble pa raw ang mga manunuod na napaalis noong nakaraang season (2018-19) bagma’t hindi ito ng labas ng eksaktong bilang.

Sa pag bugaw ng mga manunuod sa mga manlalaro, hindi lang ang mga manunuod ang mapaprusahan sapagkat ang manlalaro na gumanti sa mga ito ay mapapatawan ng violation.

Share
Go top