418

OAKLAND – Nabigo ang Warriors laban sa Raptors sa sariling homecourt sa score na 105 – 92 sa kabila ng pagbabalik ni Klay Thompson.
Hindi sapat ang pagbabalik ni Thompson at Looney matapos ang injury habang si Kevin Durant naman ay hindi pa rin nakakapaglaro.
Dikit na dikit ang laban sa first and second quarter. Mas tumindi ang habulan sa 3rd at 4th quarter dahil tuluyang lumaki ang tambak ng Warriors ng 13 puntos.
Nakapagtala ng 27 points si Stephen Curry at 28 points naman si Thompson. Hindi pa rin nito naunguasn ang Raptors kahit dumagdag sila Draymond Green at Kevon Looneey ng 10 points.
Sa kabilang banda pinangunhan ni Kawhi Leonard ang Toronto Raptors nakakuha nng 36 points. Mas lumaki pa ang lamang ng Raptors sa Warriors sa tulong nina Serge Ibaka na nakakuha ng 20 points, Pascal Siakam 19 points, at Kyle Lowry 10 points.
Naging maaksyon ang labanan dahil sa pagpupumillit na humabol ng Warriors sa huling Quarter. Subalit nabigo pa rin sila Curry na amugnusan agn Raptors sa huling minuto ng laro.
Kapansin pansin ang mga sablay na three points at lay-ups ng Warriors gayundin ang missed free throws.
“We just got to win one game and then build on that,” ang sabi ni Draymond Green sa mga reporters matapos ang laro.
“But I’ve been on the wrong side of 3-1 before, so why not make our own history.”
Sabi naman ni Curry “It’s not over,” na nagpapahiwatig ng paghihiganti sa Game 5 na gaganapin sa Toronto Canada sa June 10.
Samantala isang panalo na lang ang Raptors at sila na ang magwawagi sa NBA finals sa kauna unahang pagkakataon 4 – 1. Ngunit kapag ang Warriors ang manalo sa Game 5 kailangang manalo ng Warriors hanggang Game 7 para ito ang mag kampeon.

Share
Categories:Featured | NBA | Sport Today | Sports
Go top