382

Mananatili ang kampo ni unified heavyweight champion Anthony Joshua sa pagkasa ng isang undisputed heavyweight match bago matapos ang taon.

Ayon sa promoter nito na si Eddie Hearn, itutulak nila na matuloy ang sagupaang Tyson Fury at Anthony Joshua mangyaring madepensahan ni Fury ang WBC belt kontra sa dati nitong may-ari na si Deontay Wilder.

Kinakailangan ding madepensahan ni Joshua ang kanyang belts kontra kay Kubrat Pulev ngayong Hunyo upang gawing makakatotohanan ang undisputed heavyweight champion title match.

Tikom naman ang kampo ni Fury ukol dito kung kaya’t naghanda na rin ng alternatibong mga kalaban si Hearn para kay Joshua.

Nariyan ang dating kampyeon at WBO mandatory fighter na si Oleksandr Usyk, maging ang kalaban nito sa Mayo na si Derek Chisora. At kabilang din sa maaring makalaban ni Joshua si Dillian Whyte.

Sakaling mabawi ni Wilder ang WBC belt kay Fury, mas malaki ang tyansang matuloy ang undisputed title match dahil nauna nang sinabi ni Wilder na nais niya ng isang kampyeon lamang sa heavyweight division.

Share
Go top