437

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -January 23, 2020 | 11:59 AM

https://www.bomboradyo.com/basketball-legend-kobe-bryant-suportado-ang-pagpasok-ng-kababaihan-sa-nba/

Suportado ni NBA legend Kobe Bryant ang panukala na payagang makapaglaro sa NBA ang mga kababaihan.

Sa ngayon daw ay may ilang manlalaro sa WNBA (Women’s National Basketball Association) ay kayang makipagsabayan na sa liga.


Ayon sa panyam ng CNN kay Bryant, napaisip ang beteranong NBA superstar kung mabibigyan ng oportunidad ang kanyang babaeng anak na si Gianna na makapaglaro sa liga kung saan siya ay nakilala.

Sa edad na 12-anyos, nakitaan na kaaagad ng potensyal itong si Gianna Bryant at posibleng magpursigi ng karera sa basketbol.

Madalas din daw itong isinasama ng kanyang ama sa mga laro nito.

Ang mga WNBA stars na pinangalanan ng Black Mamba ay sina, Maya Moore ang forward ng Minnesota Lynx, Ella Della Donne ang forward ng Washington Mystics at ang White Mamba ng WNBA na si Diana Taurasi.

Dahil sa husay ni Taurasi na maka-score sa isang clutch situation, naihalintulad ito sa Black mamba ng NBA.

Maituturing na rin daw ito na isang superstar sapagkat siya ang all-time leading scorer ng WNBA simula 2017 hanggang sa kasalukuyan.

Si Taurasi rin ang first overall pick noong 2004 WNBA Draft at 2009 WNBA MVP.

Siyam na beses na rin itong nakasama sa WNBA All-Star at higit sa lahat siya ay three-time WNBA champion sa team nitong Phoenix Mercury.

Si Maya Moore naman ay ang WNBA MVP noong 2014 at apat na beses na itong naging kampeon kasama ang team nitong Minnesota Lynx.

Hindi nakapaglaro si Moore noong nakarang 2019 season, sapagkat mas binigyang atensyon muna nito ang kanyang kalusugan at ang kanyang pamilya.

Samantalang si Ella Della Donne ng Washington Mystics ang pinakaprominenteng manlalaro sa kanyang team at siya ang dahilan ng kanilang pagiging kampeon.

Sa kasalukuyan ay dalawang beses na itong naging WNBA MVP.

Share
Go top