399

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr

https://www.bomboradyo.com/canelo-alvarez-mas-pinapaburan-ng-mga-eksperto-ex-champs-vs-sergey-kovalev/

Mas pinapaburan umano ng ilang mga eksperto si Saul “Canelo” Alvarez sa kanyang unang light heavyweight fight kontra kay WBO champion Sergey “Krusher” Kovalev sa darating na November 2 na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na lumaban si Alvarez sa ibang debisyon.

Noong 2017, natapat si Alvarez kay Gennady “GGG” Golovkin na nauwi sa draw at ang kanyang huling laban kay Rocky Fielding noong Disyembre sa super middleweight na natapos naman sa tatlong rounds dahil sa walang humpay na body shots mula sa Mexican superstar.

Si Alvarez ay may professional record na 52 wins, 35 dito ay via knockouts at tatlong talo.

Kilala si Alvarez sa kanyang pagiging dominante sa middleweight sa pamamagitan ng kanyang malalakas na bodyshot at bilis ng counterpunching.

Ngunit, kakailanganin ni Alvarez na dagdagan ang pwersa ng kanyang mga suntok sapagkat dumagdag siya ng mas mabigat na timbang.

Sa 34 professional wins naman ni Kovalev, 29 dito ang via knockouts kaya siya ay tinaguriang “Krusher.”

Sinasabing sana’y si Kovalev na tumanggap ng mga suntok upang makalapit sa kanyang mga kalaban at magbitaw din ng mabibigat na suntok.

Naniniwala naman si Andre Ward na sa mga unang rounds lang mahihigitan ni Kovalev si Alvarez.

Hindi rin daw nito kakayanin ang bodyshots na bibitawan ni Alvarez.

Pumabor si Ward na mananalo at lalamang si Alvarez sa 11th o kaya sa 12th round.

Sinabi naman ni Oscar de La Hoya, hindi magiging madali ang laban sapagkat karamihan sa panalo ni Kovalev ay sa pamamagitan ng knockout.

Aniya, Dela Hoya na promoter din ni Canelo, kilala ang kanyang laga sa paghanap ng mga bagong hamon at subukan ang kanyang sarili sa kahit sinong kalaban.

Share
Go top