339

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -October 24, 2019 | 8:35 AM

https://www.bomboradyo.com/canelo-hinahabol-ang-kasaysayan-sa-nov-2-kovalev-fight/

LOS ANGELES – Kalakip nang paparating na laban ni Saul “Canelo” Alvarez ay ang kasaysayang kanyang maaring iuukit sa boxing lalo na para sa mga Meksikano.

Plano ni Canelo na maging kauna-unahang Mexican boxer na manalo ng apat na belt sa iba’t ibang debisyon.

“For me, my legacy is very important. History is the only thing that’s going to remain in boxing,” aniya sa isang panayam ng Los Angeles Times.

Bagama’t desidong isakatuparan ito, aminado ang three-division champion na si Sergey Kovalev ang kanyang pinakamahirap na laban.

“It’s one of the most motivating fights thus far in my career. Kovalev is very experienced and he’s the strongest fighter I will face. He’s had a good, long career. He’s going to use his height and range to try to beat me,” dagdag niya.

Puspusan ang paghahanda ni Canelo sapagkat kailangan din niyang umakyat ng timbang mula sa 168 pounds o middleweight patungong 175 pounds o light heavyweight.

“I’ve been eating how I normally do, of course staying healthy, but adding more rice, protein and carbohydrates. I’m entering this zone of comfort, but we’re ready for this.”

Unang beses lalaban si Canelo sa light heavyweight kung kaya’t hamon sa kanya ang pagpapanatili ng kanyang lakas at bilis sa mas mabigat na timbang.

Paglalabanan ng dalawa ang light heavyweight title na hawak ni Kovalev sa darating na ika-dalawa ng Nobyembre sa MGM Grand Arena.

Share
Go top