338

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr

https://www.bomboradyo.com/dugo-at-pawis-puhunan-sa-ensayo-ni-pacquiao-sa-laban-vs-thurman/?fbclid=IwAR2dmZfs769WVU6ZISFycHLgZ0z8-%20_34Ud98KVnkvBWDGzNDYVkzEYpVAXA

LOS ANGELES – Matinding pag-eensayo ang ipinamamalas ni Sen. Manny Pacquiao habang nalalapit ang kanyang big fight.

Ito ang iniulat ng kanyang tiyahin na si Lilia “Pretty” Lao.

Araw-araw aniya sa Los Angeles ay kitang kita nya ang subsob na pag-ensayo ng pambansang kamao.

Ika nga ni Anne Samejon na pamangkin ni Manny, pawis at dugo ang ensayong ginawa ng kanyang tiyuhin sa General Santos kaya nakamit nito ang welterweight world title matapos talunin nong nakaraang taon si Lucas Matthysse.

Ito ay ginanap sa Axiata Arena na matatagpuan Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagwagi ang noo’y 39-anyos na boksingero laban sa Argentinian fighter sa pamamagitan ng technical knockout win sa ikapitong round. Isang uppercut ang ibinigay ni Pacquiao para mapabagsak sa ikatlong pagkakataon hanggang sa mapaluhod si Matthysse sa ikatlong round makaraang matapos tamaan ng jab uppercut combinations.

Sa ikalimang round ginamitan ito ng pambansang kamao ng right hook combo.

Ito na ang ika-60 panalo ni Pacquiao sa loob ng kaniyang 23 taong karera.

Ito rin ang unang knockout ni Pacquiao mula 2009, nang patumbahin ang Puerto Rican champion na si Miguel Cotto.

Sa darating na laban ng fighting senator sa ika-21 ng Hulyo 2019 gaganapin ang showdown nila ni Thurman sa MGM Grand and Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kabilang sa tinututukan ng Team Pacquio ang bawat detalye ng pag-eensayo nito para masigurado na tama ang ginagawang istratehiya.

Para naman sa Pinoy ring icon, hindi raw niya iniisip kung anong mangyayari sa kanya dahil ang mas mahalaga ay mapanali ang hawak na korona.

Muli rin namang nagpasalamat ang WBA champion sa walang sawang pagsuporta ng kanyang mga kababayang Pilipino.

Share
Go top