323

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -September 13, 2019 | 2:24 PM

https://www.bomboradyo.com/juan-migueal-elorde-susunod-sa-yapak-ng-lolo-na-si-flash-elorde-arum/

Ipinagmalaki ng beteranong Top Rank Promoter na si Bob Arum ang Pinoy challenger na si Juan Miguel Elorde (28-1, 15 KOs) laban sa kampeon na si WBO junior featherweight world champion Emanuel Navarrete (28-1, 24 KOs) ng Mexico.

Sa panayam ng Bombo international correspondent John Melo mula sa Las Vegas, sinabi Arum na bilang apo ng yumaong Filipino boxing icon na si Gabriel “Flash” Elorde, nanalaytay sa ugat nito ang dugong kampeon.

Nagbigay pugay si Arum kay Flash Elorde na kinilala sa Amerika bilang dating Pinoy world champion.

Ito aniya ay sinundan ni fighting Sen. Manny Pacquiao na lalong nagpaangat ng boxing sa Pilipinas.

Si Pacman aniya ang isa rin sa tinitingala ni Juan Miguel upang magtagumpay sa kanyang career.

“I’m delighted to have him here in this event. Its a great honor for me to promote somebody from the Elorde family,” ani Arum na dating hinawakan din ang career ni Pacquiao.

Para naman sa nakababatang Elorde, pipilitin niyang maagaw ang korona ni Navarrete para madala sa Pilipinas.

Sinasabing kulang-kulang lamang ng isang buwan ay idedepensa ng junior featherweight world champion na si Navarrete ang kanyang belt sa ikatlong pagkakataon.

Para sa mga Mexicans mahalaga ang Linggong ito dahil sa selebrasyon ng Mexican Independence Day na naging tradisyon ng mga top Mexican boxers upang magpakitang gilas.

Share
Go top