334

By Bombo Ponciano ‘John’ Melo Jr -November 8, 2019 | 9:31 AM

https://www.bomboradyo.com/monster-inoue-pumirma-na-sa-top-rank-matapos-talunin-si-donaire/

Ang pagtatapos ng World Boxing Super Series (WBSS) ay hudyat nang panibagong simula para sa Japanese superstar na si Naoya “Monster” Inoue.

Pumirma ang 26-anyos na Hapon ng ilang taong kontrata sa Top Rank Promotions sa ilalim ng beteranong si Bob Arum, ang dating promoter ni Manny Pacquiao, matapos matagumpay na talunin si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr., para makamit ang bantamweight title.

Isinigawa ang labanan sa Saitama Arena sa Japan kung nasa nagwagi ito via unanimous decision.

Dahil sa pagkapanalong ito, lalong umingay si Inoue para sa pound-for-pound ranking.

Sa kasalukuyan hawak nito ang record na 19 na panalo, 16 na knockouts at walang talo.

Umani na rin ito ng mga papuri mula sa mga boksingero sa Amerika tulad ni Andre Ward.

Ayon sa Twitter post nito, magiging problema si Inoue sa kahit sinong boksingero na nasa 118 at 122 pounds.

Nakatakda ang unang laban nito sa Amerika sa unang parte ng taong 2020.

“It is a tremendous honor to sign with Top Rank and to showcase my talents on ESPN. I look forward to 2020. I’ve fought in America once before, and I look forward to doing so again in the very near future,” ani Inoue.

Kalakip ng kanyang multi-year promotional agreement ay ang pagpapakita rin ng kaniyang laban sa ESPN na pangungunahan ng kanyang current promoter na Ohashi Promotions.

Share
Go top