364

https://jmeloentertainment.com/2019/10/26/raptors-wagi-sa-overtime-kontra-pelicans/

Nanaig ang defending champion na Toronto Raptors sa opening day ng NBA season 2019 matapos talunin ang New Orleans Pelicans sa overtime, 130-122, upang isulat ang unang panalo sa homecourt nitong Scotia Bank Arena.

Nag-apoy sina Pascal Siakam at Fred VanVleet na umiskor nang tig-34 points upang pangunahan ang Toronto.

Dikdikan ang naging laban ng dalawang koponan mula sa umpisa kung kaya’t humantong ito sa extra five minutes.

Ang magkasunod na three-pointers nina VanVleet at Kyle Lowry sa overtime ang nagsilbing daggers ng Raptors para tuluyang iwan sa endgame ang Pelicans.

Umiskor ng 22 puntos, pitong rebounds, at limang assists ang beteranong si Lowry upang suportahan ang top-scorers samantalang nag-ambag naman ng 13 puntos at limang rebounds si Serge Ibaka mula sa bench.

Dinomina ng Toronto ang loob matapos umiskor ng 56 points samantalang nagpakita naman ng mas magandang ball movement ang mga batang manlalaro ng Pelicans na nagtala ng 30 assists.

Nanguna sa kanila si Brandon Ingram, bagong miyembro ng koponan, na may 22 puntos, limang rebounds, at limang assists. Tumulong din kasama nitong na-trade na si Josh Hart na may 15 puntos at si Jrue Holiday, isang beterano sa Pelicans, na may 13 puntos.

Bago magsimula ang laban ay isinagawa ang ring ceremony para sa defending champion Toronto Raptors upang ibigay ang kanilang championship rings at iangat ang kanilang banner sa rafter ng arena.

Share
Categories:Featured | NBA | Sport Today | Sports
Go top