310

Sa darating na Nobyembre 2, magaganap ang Alvarez-Kovalev sa MGM Grand, Las Vegas. Bukod dito, magiging kaabang-abang ang undercard na co-main event,  na kung saan matutunghayan ang pasikat na Pinoy boxer Rumero Duno (21-1) laban sa Mexican-American boxer na si Ryan Garcia (18-0).

Sa isang Instagram post ni Duno, kasama ang ilang Pinoy boxers, makikita na kasama rin nito sa training ang isang athletics coach na si Angel “Memo” Heredia Hernandez.

Ayon kay Hernandez, nakikitaan niya ng malaking potensyal itong si Duno. Nais nito na mas palakasin ang endurance at mas pabilisin ang Pinoy boxer.

“Ryan is a good fighter. My respect to him. He is a good kid and has a good future in boxing. He has shown good charisma and the people like him. I think it will be a good fight on the undercard,” Dagdag ni Garcia

Si Hernandez ay kilala bilang isang strength and conditioning coach ng mga discus throw at track and field athletes. Natulungan din nito ang mga sikat na boksingero katulad ni Juan Manuel Marquez at Jorge Arce — na parehas nanalo ng world titles.

Tinutulungan naman nitong si Saul “Canelo” Alvarez itong si Ryan Garcia sa pamamagitan ng pakikipag sparring dito.

Share
Go top