346

ORACLE ARENA, California – Matapos ma-injury ni Kevin Durant sa Game 5 at ni Klay Thompson sa Game 6, nabigo ang Golden State Warriors na masungkit ang three-peat sa Toronto Raptors sa score na 114-110.

Una rito, mahigpit na mahigpit ang habulan ng Warriors at Raptors sa first quarter pa lamang dahil ilang beses nagtabla ang mga ito.

Nagdikit sa 33-32 ang game bago mag-second quarter.

Sa third quarter naungusan na ng Raptors ng tatlong puntos ang Warriors, 60-57.

Sa kalagitnaan ng 3rd quarter nagtabla na ang mga ito sa 76-76 subalit nalampasan pa rin ng Warriors ang Raptors ng dalawang puntos bago mag 4th quarter.

Sa kasamaang-palad tuluyang hindi nakapasok si Thompson sa 4th quarter dahil sa injury na mas lalong nagpatindi ng labanan.

gasol raptos warriors
Game 6 NBA Finals 2019 (photo from Melo Ponciano)
Sa pag-alis sa court ni Thompson, nag-iwan siya ng 30 points na siyang nanguna pa para sa team habang si Stephen Curry ay naglista ng 21 points habang si Andre Iguodala ay may 22 points.

Bagamat bigo sa kampanya, naging malaking tulong din sina DeMarcus Cousins at Draymond Green na nagtala ng 12 at 11 points na naging daan diin sa dikdikang labanan.

Kaya naman ang pagkawala ni Thompson ang sinasabing naging bentahe ng Raptors na tapusin ang laban sa 4th quarter sa pangunguna ng sama-samang puwersa nina Kawhi Leonard na pomoste ng 22 points ganon din si Fred VanVleet samantalang sina Pascal Siakam at Kyle Lowry ay nagreshistro naman ng high scores na tig-26.

Ang injuries nina Durant at Thompson ay malaking dahilan kung bakit hindi kinaya nina Curry ang napakaliit na kalamangan ng Raptors.

Sa katunayan nagtabla muli ang mga ito sa 110-110 sa kalagitnaan ng 4th quarter subalit hindi pa rin sapat ang lakas ng Warriors dahil sa kawalan ng presensiya ng dalawang superstars.

lowry raptors warriors
Game 6 NBA Finals 2019 (photo from Melo Ponciano)
Kapansin-pansin din ang maraming beses na sablay ng sharp-shooter na si Curry sa huling quarter bukod pa sa tatlong iniindang personal fouls.

“Golden State’s Klay Thompson has suffered a torn ACL in his left knee,” anunsiyo ni Greg Lawrence na agent ni Thompson.

Si Durant naman ay kakatapos lang ng surgery at sinasabing may isang taon pa bago makarekober.

Naging “trauma” umano sa Warriors squad ang mga injuries kaya hindi buo ang lakas ng Warriors sa Game 6 na siyang pinaka-crucial.

Samantala kasabay nang pagsungkit sa tropeo ay ang pagkorona rin ng NBA kay Leonard bilang MVP ngayong 2019.

Ito na ang pangalawang beses sa career ni Kawhi na kilalaning Final MVP dahil noong nasa Spurs siya ay nanguna rin siya upang wakasan ang dynasty ng Miami.

Para naman sa Raptors kauna-unahang beses ito na maging world champion para iukit ang bagong kasaysayan mula ng maging bahagi ng NBA ang isang team na nasa labas ng Estados Unidos makalipas ang 24 na taon.

Share
Go top