361

Iniutos ng Nevada State Athletic Commission na pagbawalan sina WBC heavyweight champion Deontay Wilder at lineal heavyweight champion Tyson Fury na mag-faceoff para sa kanilang weigh-in matapos magkainitan sa kanilang final press conference.
Nagpalitan ng maaanghang na salit ang dalwang boksingero na kalauna’y nauwi sa tulukan. Bahagyang natigil ang tension upang ganapin ang question and answer ngunit muling nag-init ang dalawa at nagpatuloy sa pagpapalitan ng mga salita.


Dahil sa insidente, inutos ang pagbabawal ng face-off matapos ang kanilang weigh-in na siya namang ikinagulat ng Top Rank president.
“In my 25 years in boxing, I’ve never heard of an administrative body stepping in and prohibiting faceoff. It’s the pinnacle moment before the fight. I am just shocked,” wika ni TP president Todd deBoef, stepson ni TP promoter Bob Arum, sa interview nito sa theScore.
Bagama’t ikinagulat ay sinang-ayunan naman ito ng magkabilang panig.
Inaaasahan namang mas magiging mainit ang aksyon mula sa dalawang nangunguna sa heavyweight division pagpatak ng fight night.

Share
Go top